VFA sa pagitan ng Pinas, Singapore pinaplantsa na

PINAPLANTSA na ng pamahalaan ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Singapore para sa pagkakaroon ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Defense spokesman Peter Galvez, kumakalap na ang kinauukulan ng mga mahahalagang impormasyon upang mabuo ang kasunduan.

Sinabi ni Galvez, na una nang nagkaroon ng Military Training Agreement ang Pilipinas at Singapore noong 1994 na tinawag na Anoa-Singa.

Sa ilalim ng kasunduan, daan-daang tropa ng Singaporean ang nagtutungo sa Pilipinas para magsanay sa mga kampo ng militar tulad ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at Fort Bonifacio sa Taguig City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply