Vietnamese chesser hiniya ni Pangilinan

PATULOY ang pananalasa ni Pinoy bet Stephen Rome Pangilinan matapos isulong ang ika-apat na sunod na panalo at manatiling malinis sa nagaganap na Under-10 division ng 13 ASEAN+ Age-Group Chess Championships sa Vietnam.

Si Pangilinan na isang grade 4 at pambato ng Paco Catholic School ay tinalo si No. 5 seed FM Huynh Hai Him ng Vietnam sa fourth round kaninang umaga.

Kasalo si 2009 Susan Polgar World Open for Boys Under-8 ruler, Pangilinan sa three-way tie sa top spot na may perfect four points.

Sina top seed Khoi Anh Nguyen, (elo 1913) ng Vietnam at No. 7 ranked Erdene Baasansuren ng Mongolia ang kagitgitan ni Pangilinan sa unahan.

Nagwagi rin ang dalawa pang Pinoy woodpushers na sina Ronald Canino at Van Emanuel Paler.

Nasa pang limang puwesto si Canino na may 3.5 pts. habang pang 18th place si Paler.

Makakaharap ni Pangilinan sa round 5 si Baasansuren sa top board habang si Canino ay mapapalaban kay Nguyen sa board 2.

“Sana magtuloy-tuloy po ‘yung panalo natin para makapag-uwi tayo ng karangalan sa bansa natin.” saad ni Pangilinan na anak ng dating chess varsity ng Lyceum of the Philippines na si Melbourne Pangilinan.

Kikilatisin naman ni Paler si No. 14 seed Cong Chi Dang ng host country.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply