Villar appointment bilang COA chair, illegal – SC

IDINEKLARA ng Supreme Court na labag sa Konstitusyon ang pagtalaga kay Reynaldo Villar bilang Chairman ng Commission on Audit kapalit ni Guillermo Carague.

Sa 30-pahinang desisyon na pinonente ni Justice Presbitero Velasco Jr, tinukoy ng court en banc na nalabag ng appointment kay Villar ang Section 1, Article 9 ng Konstitusyon.

Nakasaad sa nasabing probisyon na ang chairman at commissioners ng COA ay itinatalaga ng pangulo nang may pagpayag mula sa Commission on Appointments para sa termino na may pitong taon nang walang reappointment.

Ang appointment umano sa anumang bakanteng pwesto sa COA ay dapat  para lamang sa unexpired o hindi natapos na bahagi ng termino ng sinundan niyang opisyal sa pwesto.

Pero sa kaso umano ni Villar, hindi siya dapat na itinalaga ni dating Pangulong Gloria Arroyo bilang chairman  para sa full 7-year term dahil napagsilbihan na niya ang apat na taon ng kanyang 7-year term bilang COA commissioner.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply