Virgin coconut oil tumaas ang benta sa world market

TUMAAS ng may 138.65 porsiyentp ang kinita ng bansa sa pag-eexport ng Virgin Coconut Oil (VCO) sa unang ika apat na buwan nitong taon na umabot sa  $7,566,132.00 mas mataas kumpara ng kaparehong panahon noong isang taon na mas mababa sa halagang $3,170,394.00, ayon kay Administrator Euclides G. Forbes ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Idinagdag pa ni Forbes na nitong first quarter ng 2012 ang volume, aniya, ay nakapagtala ng karagadagang 93.58 percent na may  1,719.23 MT  kumpara noong isang taon na nasa  888.11 MT.

Ayon pa kay Forbes ang iniluluwas na VCO aniya ay nakakarating sa may 27 mga bansa sa Asia, Europe hanggang sa  United States of America.

Unang naitala ng naiexport na VCO sa France ay umabot sa mataas na  1,011.76 percent ng halaga na may kinitang  $76,000 ngayong  quarter kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon na may $6,836.00 na kita kung saan tumaas  di ang . Volume ng hanggang  662.96 percent.

Ipinagmamalaki pa ng Administrator na kaya aniya sumikat at tumaas ang benta ng VCO  ay dahil sa magandang idinudulot nito sa kalusugan ng isang tao.

Nauna ng sinabi noon ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na an gag-inom aniya ng VCO ay maganda sa cholesterol ng  katawan base na rin sa  isinagawang pag-aaral ng Philippine Coconut Authority (PCA) na isinagawa ng Univesity of Sto. Tomas (UST) Research team.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply