Visayas, Luzon maghanda

TUTUMBUKIN ng sama ng panahon na naging bagyo nang Butchoy ang Luzon anomang araw mula ngayon.

Kaya naman ngayon pa lang ay naghahanda na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa kaligtasan ng mga taga-Luzon, kasama na rin ang Visayas.

Siyempre pa, ayaw na nating maulit ang trahedya na naganap noong Disyembre sa Cagayan de Oro City at Iligan City, kabilang na ang trahedya rin sa isang lugar sa Negros.

Wish lang natin na magagawa ng NDRRMC ang mga gawain nito para sa kaligtasan.

Nangangailangan ito siyempre ng pakikipag-tulungan ng mamamayan sa lugar.

oOo

Bagama’t ang Mindanao ang tinumbok ng masamang panahon noong una, ang mga nasa Visayas at Luzon ay dapat nang maghanda.

Tiyak na pasasamain ng bagyo ang masama nang lagay ng panahon sa Visayas at Luzon.

‘Di ba may mga malalakas nang pagbuhos ng ulan ngayon sa dalawang lugar na ito?

Tiyak na lalong lalakas ang mga pag-ulan dito dahil sa bagyo.

oOo

Ang mga dam ang dapat na bantayan lalo na sa parte ng Luzon.

May palatandaan nang puno na ang mga dam at sa katunayan, nagpakawala na ang Magat Dam ng mga tubig nito kamakailan lamang.

Itong mga dam na malalapit sa Kamaynilaan  ay dapat na babantayan din ng husto.

Sapagkat hindi lang ang Metro Manila ang pipinsalain ng mga ito kundi ang mga kalapit na mga lalawigan gaya ng Bulacan at Pampanga.

Ilang beses nang na-ulit ang mga baha ni Noe sa Luzon dahil sa pag-papakawala ng mga dam ng kanilang mga tubig sa kasagsagan ng mga siyam-siyam na ulan.

Oo nga pala, dapat ding makinig nang husto ang mga taga-Visayas at Luzon sa mga babala at programa ng mga kina-uukulan laban sa mga bagyo at kalamidad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply