Binay tutulak sa Roma, hihingi ng basbas sa Santo Papa

MATAPOS ang ginawang pakikiramay sa pagkamatay ng Prinsipe ng Saudi Arabia, tutuloy naman sa Roma sa Italya si Vice Presidente Jejomar Binay para humingi ng basbas o blessings sa Santo Papa.

Ayon kay Binay, sabik na siyang makadaupang palad ang Papa Benedict  XVI sa pamamagitan ng isang private audience dahil na rin sa malapit nang petsa sa magiging canonization ng bagong Filipino Saint na si Pedro Calungsod sa darating na Oktubre at ang ika-40 taong anibersaryo ng kanyang asawang si Dra Elenita sa July 4.

Ayon kay Binay, ibabahagi niya sa Santo Papa ang mainit na pagbati ng Sambayanang Filipino na ang mayorya ay miyembro ng Simbahang Katolika matapos na makipag ugnayan sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Italy.

Unang nagtungo si Binay sa Saudi Arabia upang makiramay sa namatay na prinsipe ng Saudi na si Nayef Abdul-Aziz Al bilang representate ni Pangulong Benigno Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply