Walang ‘k’ si Gen. Mario dela Vega

PAKIWARI natin, walang ‘K’ (karapatan) si C/Supt. Mario dela Vega para tumagal pa bilang director ng Quezon City Police District.
Bakit kanyo?

Eh, napakatagal na ang mama sa kanyang puwesto pero wala tayong makitang accomplishment na kanyang maipagmamalaki.

Mula noong umupo ito bilang QCPD chief, tila, wala nang inatupag ang kanyang liderato kundi magpalago ng iligal vices.

At ang masama, ang mga bisyong ito ang dahilan kaya ang iba’t ibang uri ng krimen ay lumago na sa lungsod ni Mayor Bistek Bautista.

Imbes kasi na trabaho ang atupagin, pagkakakitaan ng datung, tulad  ng sugalan, bold shows at prostitution dens ang inaatupag ng mga tauhan ni Gen. Dela Vega.

Sa mga pahayagan, magbasa ka at ‘di patatalo ang QCPD sa dami ng mga nangyayaring krimen sa lungsod.

Pero sa buong panahon na nariyan si Gen. Dela Vega, wala tayong nabalitaan na inisyatibo para isagawa ang kanyang trabaho.

Dapat sigurong magkaulirat si general at gampanan  niya ang kanyang responsibilidad bilang QCPD director.

Para magkaroon ng accomplishment ang QCPD, kailangan sigurong magpakita ng galit si Gen. Dela Vega sa  mga tauhan.

Pakiwari kasi ng maraming pulis ng QC na nakausap natin, sadyang napakabait ng butihing heneral kaya inaabuso ng ilang mga kasamahan.

Ginawang halimbawa ang pagmamalabis ng isang ‘Mendoza’ at ‘Asinas’ na, anila’y ‘di nakuntento sa pagiging protectors ng mga sugalan.

Bukod sa pagiging vice coddlers, operators na rin sila ng jueteng na may codename na ‘Oro’, na ang sentro ng operasyon ay sa Novaliches.

Ngayon…hinahamon natin si Gen. Dela Vega na rendahan sina Mendoza at Asinas dahil ang kanilang ginagawa’y kasiraan sa kapulisan.

Dapat ding kumilos si Dir. Gen. Nicanor Bartolome para masalba sa kahihiyan ang buong pambansang kapulisan dahil sa gawain nina Mendoza at Asinas. Sina Mendoza at Asinas ay ilan lamang sa maraming tinatawag na ‘anay’ sa serbisyo na nagpapalugmok sa imahe ng PNP.

Sila’y mga tinawag na ‘bad eggs’sa lipunan na sumasaliwa sa  isinusulong na ‘Tuwid na Daan’ ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ngayon…kung ‘di kayang disiplinahin nina Gen. Bartolome at Gen. Dela Vega sina Mendoza at Asinas…aba’y wala kayong karapatan para magtagal pa sa PNP.

Maliban na lang kung ayaw intindihin o sadyang wala sa kanilang bokabularyo ang salitang ‘resign’ sa English at ‘bitiw’ sa Filipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply