Walang binesa sa kinikita ni misis!

LAHAT ng taga-showbiz ay nalulungkot at nag-aagam-agam sa kritikal na lagay ng Comedy King na si Dolphy.

N’ung Sabado ay ni-rush na sa Makati Medical Center si Tito Dolphy dahil sa kahilingan na rin niya mismo dahil nahihirapan siyang huminga. At nung Miyerkules nga ay humingi na nang dasal ang mga anak ni Dolphy na sina Eric at Ronnie Quizon dahil grabe na talaga ang lagay at kasalukuyang nasa ICU ito.

Dahil dito ay sumugod na ang mga kaibigang artista ni Tito Dolphy sa Makati Med para dalawin ang Comedy King tulad nina Maricel Soriano, Tirso Cruz III at Ai-Ai delas Alas. Nauna na ring bumisita si Alma Moreno noong Sabado pa lang.

Lahat ay humihingi ng milagro na malampasan ni Dolphy ang krisis na ito sa kanyang kalusugan. But at the same time, hinahanda na ng lahat ng pamilya ni Tito Dolphy ang kung ano mang ang maaaring mangyari sa kanya sa darating na mga araw. Next month ay birthday na ng Comedy King at sana makapiling pa rin natin siya sa kanyang kaarawan. (Medyo improving na raw ang kanyang condition, Tonee. Nag-dialysis na nga – Ed)

***

FINAL na ang annulment at hatian ng properties ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap. Aminado si James na malaki ang kinikita niya bilang isang sikat na basketball player pero wala raw ýun sa kalingkingan sa earnings ni Kris bilang isang artista, host at commercial model.

Sa katunayan, tumanggi raw si Kris na magbigay pa siya ng child support sa anak nilang si Bimby. Kaya ang gagawin na lang niya ay gumawa ng isang trust fund para sa kanilang anak na magagamit nito paglaki ng bata.

***

SADYANG bilyonario na many times over si Manny Pacquiao! Aba! pumangalawa na siya kay Mayweather sa atleta sa buong mundo na pinakamalaki ang kita sa nakaraang isang taon. Aba $65M ang kinita ni Manny as compared to Mayweather na $85M! Pumangatlo na lang ang dating no. 1 na si Tiger Woods with $59M at pang-apat naman si LeBron with $56M!

Kaya naman barya lang para kay Manny ang pagbili niya ng isang segunda mano na chopper na nagkakahalaga ng P18M bilang regalo niya sa sarili niya. Gagamitin daw niya ito para mapadali ang pagpunta niya sa kababayan niya sa Saranggani. Sadyang bulubundukin daw ang lugar nila kaya malaking tulong ang chopper para sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply