Walang expectations si Sam Pinto!

MARAMI ang nakapansin na si Solenn Heussaff lang ang nabanggit sa trailer ng ‘Boy Pick Up: The Movie’ at wala si Sam Pinto. May mga intriga na may gap sila ni Solenn dahil sa leading lady isyu ni Ogie Alcasid.

Ang ‘hipag’ kasi ni Anne Curtis ang leading lady ni Ogie sa pelikulang ito ng GMA Films/Regal Entertainment, Inc. na ipalalabas na sa mga sinehan sa June 6 sa direksyon ni Dominic Zapata.

Sa ‘Bubble Gang’ kasi, si Sam ang bidang babae sa naturang pick-up segment bilang si Neneng B.

“Wala, wala,” tugon ni Sam sa isyung may hidwaan sila ni Solenn.

“Actually from the very beginning naman, sinabi sa akin na ‘yung buong movie, based on Boy Pick Up’s life outside the pick-up world and kaming mga Bubble Gang cast nasa loob lang kami ng pick-up world niya, so ‘yon, umiikot talaga siya sa outside world, so okay lang,” sambit niya.

Mas bida si Solenn kaysa sa kanya.

“Oo nga which is good ‘coz it’s a Regal Films so…”

Contract star ng Viva si Sam.

“Mabuti nga po pumayag sila na gawin ko ito kasi nga Regal ito.”

Paano siya pinahiram ng Viva?

“Kinausap ni Kuya Ogie si Boss Vic (del Rosario, Viva’s head),” tugon niya.

Samantala, ongoing ang FHM voting para sa annual Sexiest Pinay List ng naturang men’s magazine.

“As of last Friday number one po ako. Yehey! Pero ongoing pa rin (ang voting), parang partial results pa lang.

“Oh my God, kinakabahan na ako! Last day of voting is June 5, malapit na.”

Nag-e-expect ba siya na tulad ni Katrina Halili ay two years in a row ay magiging number one siya?

“I’m not really expecting anything, I’m actually getting really, really nervous.

“Parang ang lahat lumalaban talaga, e.”

Sino ang mahigpit niyang kalaban so far?

“Si Angel.”

Nasa number 2 spot si Angel Locsin.

E si Marian Rivera?

“Si Marian naging number 4.”

Si Solenn ang number 3 sa listahan.

“Lumalaban talaga ‘yung mga tao, grabe!”

So hindi pa raw siya kampante na siya ulit ang nasa top of the list.

“No, not at all kasi as you can see lahat talaga lumalaban this year e, ang dami nilang mga ginagawa e, so there.”

Nagkaroon na ng isyu dati sa pagitan nina Sam Pinto at Marian Rivera.

At ngayong ongoing ang botohan para sa Sexiest Pinay list ng FHM magazine, tiyak na ngayon ay mabubuhay muli ang isyu dahil sa FHM voting na kung saan kapwa contender sina Sam at Marian.

“Ay now, grabe now! Like everybody’s… lahat ng mga nasa top ten basically lahat nag-aaway na ang mga fans nila, lumalabas sa lahat, sa mga fan page, nambabastos,” kuwento ni Sam.

Ang pinaka-grabeng panlalait kay Sam…

“Ano daw mukha daw akong tuod. Hindi raw ako sexy, ganyan-ganyan.”

Hindi raw siya sumasagot kahit minsan ay sobra na ang bashing sa kanya.

“There are times na sobrang nakakaasar na ang sarap lang mag-reply pero huwag na lang.”

Hindi lang naman daw mga fans ni Marian ang involved…

“Everybody.”

Mga fans ng siyam na kalaban niya…

“Like, ‘Hindi kita iboboto, si Angel ang iboboto ko!’

“Sila talaga yung lumalaban.

“One time sumagot ako parang sabi niya, ‘Hindi ka sexy, hindi kita iboboto’, ganyan-ganyan, ‘Si something ang iboboto ko!’

“Sabi ko, ‘I’m not forcing you to vote for me!’

“My gosh! Ha! Ha! Ha! Iyon lang.”

Hindi siya nagagalit?

“It’s more on … yeah kinda amused. Kinda also entertaining to read all these haters na…,” sabay-tawa muli ni Sam na gumaganap na Neneng B sa Boy Pick Up: The Movie .

-0o0-

TINANONG si Zanjoe Marudo kung bakit hindi si Bea Alonzo ang pinaka-seksing babae sa kanya kundi si Eugene Domingo na partner niya sa sequel ng Kimmy Dora & Temple of Kiyeme.

Si Eugene raw ang unang pumasok sa utak niya pero si Bea naman ang pinaka-magandang babae sa kanya.

Ipinagdarasal ni Zanjoe na si Bea na talaga ang makakasama niya habambuhay at pakakasalan.

“Sana, sana ay si Bea na ang makakasama ko,” aniya.

Dahil kay Bea ay natuto siyang mas maging sweet at maalaga sa babae. “Dati kasi mahiyain ako na magsalita o magpakita ng (sweetness). Ngayon simula noong magkasama kami ni Bea ay nag-iba na. Kung baga eh unti-unti na akong naging open pagdating sa relationship namin. Mas naging gentleman ako,” sey niya na isa sa leading man ng sequel ng “Kimmy Dora.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply