Warrant of arrest inilabas sa nawawalang Comelec witness sa electoral sabotage

IPINAHUHULI na ng Commission on Elections (Comelec) sa pamamagitan ng pagpapalabas sa korte ng warrant of arrest laban sa kanilang nawawalang testigo sa kasong electoral sabotage na ikinasa kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ito ay dahil bukas na, Lunes diringgin ang pagdinig sa mosyon ng Comelec na humihiling sa korte na magpalabas ng warrant of arrest para mapalutang ang kanilang testigo na sina Rosa Mabang at Nory Una.

Sa talaan ng Pasay Regional Trial Court Branch 112, hindi naisailalim sa witness protection program sina Mabang at Una, itinuturing na pangunahing testigo laban kay GMA para sa nabanggit na kaso.

Maalalang agad na tinapos ng korte ang pagpapaharap ng Comelec sa kanilang testigo dahil sa ilang ulit na pagkabigong ilutang ang dalawa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply