Wholesome na kuno!: Daniel Matsunaga ayaw nang magpakita ng bukol sa isang underwear endorsement

NAKU! My loving BFFT Pete A., baka bumangon bigla sa kanyang kinalilibingan ang good friend mong si Jerome Pelgone sa mga statement ngayon ni Daniel Matsunaga na never na kuno siyang magpo-pose ng sexy at tatanggap ng endorsement sa alin mang undergarment company.

Ayos lang sana kung nilinaw nitong tapos na siya sa mga ganyang eksena. Pero parang ang gustong palabasin ng Brapanese-Japanese hunk model-actor/host ay never pa kuno niyang ginawa sa tanang buhay niya ang magpa-pictorial ng sexy.

Well, siguro naman dahil avid reader kayo ng aming Remate, ang hot na hot na tabloid ng bansa, na-sight n’yo rito ang kanyang nude photo kung saan kitang-kita ang super kapal niyang pubic na kung hindi kami nagkakamali, this was shot when Daniel was only in his mid-20’s. Sabihin na nating napilitan lang ang actor na gawin ang bagay na ‘yun kahit labag ito sa kanyang kalooban pero he did it dahil sa kagustuhan niyang ma-penetrate ang mundo ng showbiz at ngayong nakapasok na siya, ang lakas naman ng loob niyang iligwak at kalimutan na lang ang nakaraan.

Well, tingnan na lang natin kung may mangyayari ba sa career ng ex mo Heart Evangelista lalo pa’t nasa paluging istasyon siya nakakontrata ngayon.

So, mga beki, pagtiyagaan nyo na lang ang old sexy pictorial na ito ni Papa Daniel dahil never na nga raw siyang magpapakuha ng naka-brief.

Ka-arte at ipokrito gyud!

***

Sheryl La Pena (Empress) nalalapit sa panganib sa Mundo Man ay Magunaw

LAST Wednesday ay aming na-witness ni Amigang Pete A. ang last taping day ng nangungunang teleserye sa Kapamilya Gold na Mundo Man ay Magunaw sa may Unciano Medical Center sa Antipolo. Present ang major cast ng teleserye na pinangungunahan ni Empress Schuck bilang si Sheryl. May masamang nangyari sa kanya at sino kaya ang gumagumawa nito? Ang kinikilala kaya niyang nanay na si Lani (Sylvia Sanchez) o hindi?

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Donya Alicia (Tessie Tomas) na ang prime suspect nga ay ang inosenteng si Olivia (Eula Valdez) na nakakulong pa rin hanggang ngayon. Makakamit pa kaya ni Olivia ang hustisya at matupad pa kaya ang pangarap niya na mabuo ang kanyang pamilya kasama ang dalawang anak na sina Sheryl at Jenny (Nikki Gil). At si Dante (Emilio Garcia), kanino siya mapupunta kay Lani ba na umagaw sa kanya o sa babaeng tunay niyang minamahal na si Olivia?

Matatandaang last January nag-umpisang umere ang Mundo Man ay Magunaw at dahil sa mataas nitong ratings ay napanonood pa rin ito hanggang ngayon.

Kaya’t para sabay-sabay nating malaman at madiskubre ang matagal ng lihim na itinatago sa buhay ni Sheryl at matagal ng pagpapanggap ni Lani, huwag bibitiw sa huling dalawang linggo ng Mundo Man ay Magunaw na mapanonood Lunes hanggang Biyernes, tuwing hapon sa Kapamilya Gold ng ABS CBN 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply