Writ of amparo ng hinihinalang magnanakaw, ibinasura ng SC

IBINASURA ng Korte Suprema ang petition for writ of amparo kaugnay sa pagkawala ng isang lalaki sa Malolos,Bulacan.

Sa 15- pahinang decision na isinulat ni Associate Justice Mariano del Castillo, binaligtad ng en banc ang ipinagkaloob na writ of amparo ng Malolos City Regional Trial Court, Branch 20 sa pamilya ni Benhur Pardico noong Huly0 24, 2008.

Paliwanag ng kataas-taasang hukuman, wala sa naturang kaso ang elemento ng pagkakasangkot ng estado, o maging kinatawan ng alinmang ahensya ng pamahalaan sa pagkawala ni Pardico.

Paglilinaw pa ng SC, kahit na pribadong tao o kompanya ang sangkot sa pagkawala ni Pardico ay kailangan pa ring patunayan na may kinalaman dito ang gobyerno o sinuman sa kinatawan nito.

Binigyang-diin ng korte na hindi sapat sa paghingi ng writ of amparo ang deklarasyon na may nawawalang tao.

Marso 31, 2008 huling nakita si Pardico sa kanilang subdivision matapos bugbugin ng mga guwardya dahil sa alegasyon ng pagnanakaw ng kable ng kuryente at ilaw.

Ibinibigay ng korte ang writ of amparo sa sinoman na nakatanggap ng pagbabanta para malabag o nalabag na ang kanilang right to life, liberty and security ng sinomang empleyado o  opisyal ng gobyerno at maging ng pribadong tao o kompanya.

Layon ng writ of amparo na lutasin ang talamak na problema ng extrajudicial killings  at enforced disappearances sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply