Xian Lim ilusyunado?

NAKAKWENTUHAN namin si Xian Lim sa bagong talent show niya sa ABS-CBN 2 na Promil Pre-School i-Shine Talent Camp na ipalalabas tuwing Sabado, 9:30 AM at magsisimula sa June 23.

Klinaro namin sa kanya ang isyung may attitude problem na siya at hindi raw niya pinagbigyan ang request ng director niya sa isang commercial na kung puwede ay magpakuha siya with the models na gagamitin para sa publicity. Bakit daw may picture taking pa samantalang sinabi raw sa kanila na pack-up na? Sa madaling salita, hindi raw siya nagpakuha ng picture.

“Actually, may nagsabi sa akin niyan at ‘yung mag-details nu’ng nangyari, hindi nagtugma sa mga ginawa kong commercials. So, it’s completely false kasi may pruweba po na kung i-search nila ‘yung ibang commercial na ginawa ko, walang ganoon,” paglilinaw niya.

“In short, wala pa siyang attitude?

“Wala pa, kasi wala pang nangyayari,” natatawa niyang sagot.

“Always kong sinasabi as much as I try my best to please everyone, I can’t really please everyone. Parang ang maipakikita ko lang sa kanila ay ‘yung ako, ‘yun lang ang pinapakita ko. I’m just happy na meron akong supporters. I look more sa positive side rather than the negative pero okey rin na marinig ko ang mga ganoon para maisip ko rin, bakit kaya nila nasabi ‘yun, di ba ? So I look back. Hopefully kapag nagkita kami, kung sino man ang nagsasabi ng ganon, ay makita nila ang totoong side ni Xian,” sey pa niya.

“Pag may second chance, third chance na magkita kami, mas makikila nila ako, di ba?”

Hindi pa ba siya nagbabago talaga?

“Oo naman. Of course not!” madiin pa niyang pahayag.

Anyway, katulong ng Promil Pre-School ang ABS-CBN upang iparating sa mga manonood ang TV reality show na hihimok sa mga magulang at kabataan na ipakita at hasain ang kanilang mga talento. Naghihintay ang isang talent contract sa Star Magic at Promil Pre-School at P500,000 cash sa batang mananalo.

Bukod kay Xian, kasama rin sina Dimples Romana at Matteo Guidicelli na magsisilbing host ng palabas kung saan 12 i-Shiners ang dadaan sa training ng mga artistang magsisilbing mentors tulad nina John Pratts, Karylle, Luis Manzano at marami pang iba. Kasama ng mga bata ang kanilang magulang para magbigay ng suporta.

Ayon sa mga host ng i-Shine Talent Camp, buo din ang suporta na ibinigay sa kanila ng kanilang pamilya, lalo na ng kanilang mga magulang noong sila’y nagsisimula pa lamang.

Ibinahagi ni Matteo na kahit busy siya sa kanyang trabaho bilang aktor, modelo at atleta ay hindi siya nawawalan ng panahon para sa pamiya.

Tulad ng pagsuporta ng kanyang mga magulang sa mga peligrosong sports tulad ng horseback riding, motocross at go-kart na gustong-gusto niya noong bata, ibinibigay niya ang full support niya sa limang-taong gulang na kapatid na si Gianpaolo.“He likes to dance and sing so I get him a lot of Justin Beiber and stuff like the Xbox Dance game,” ani Matteo. “Sumasama din ako sa swimming lessons niya tapos minsan sinasama ko naman siya sa triathlon trainings ko. By being supportive, that’s how I motivate him.”

Ang My Binondo Girl co-star naman ni Matteo na si Xian Lim ay ibinahagi din ang suporta na ibinigay sa kanya ng pamilya. “Ginabayan ako ng parents ko para mahanap ko kung ano talaga yung gusto ko gawin. Ako kasi yung tipo na madaming pangarap pero sinubukan ng parents ko na i-share sa akin yung alam nila. Tulad sa mom ko, pianist siya, she taught me how to play the piano while my dad guided me in playing basketball.”

Say pa ni Xian, “Be supportive, bond with them, and listen to them.”

Ang nurturing mom naman na si Dimples Romana ay pinasalamatan ang kanyang ina na nakita kaagad ang kanyang potensyal habang bata pa.

Sinuportahan siya ng ina sa mga pag-eensayo niya tuwing may sasalihang kompetisyon.

“Ngayon na mom na ako, natutunan ko na dapat talaga full support tayo sa ating mga anak. My daughter Cal is very athletic, kaya sinusuportahan ko siya sa pag-enroll sa kanya sa swimming and figure-skating lessons na gustung-gusto naman niya,” ani Dimples.

Panoorin ang paglalakbay ng 12 i-Shiners na sina Lukas, ang Acoustic Kid ng Cebu; Ayeisiah, ang Kiddie Diva ng Olongapo; Prince, ang Dance Floor Ace ng Manila; Althea, ang Born Kiddie Performer ng Manila; Gabby, ang Bibo Dancer ng Paranaque; Ella, ang Singing Idol ng Davao; Charls, ang Prince of Acting ng Caloocan; Icon, ang Dancing Icon ng Marikina; Patricia, ang Dancing Charmer ng Antipolo; JC, ang Acting Gem ng Taguig; Jake, ang Total Kid Performer ng Makati at Justine, ang Dance Floor Prince ng Laguna tungo sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply