Yaman ng mga senador ipasisilip ni Enrile

HINDI lamang sa Mababang Kapulungan magkakaroon ng “paninilip” sa yaman ng bawat mambabatas kundi maging sa Senado matapos aprubahan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagbubuo ng isang komite upang pag-aralan ang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng bawat senador.

Sinabi Sen. Francis “Chiz” Escudero sa pamamagitan ng text message, na pinag-usapan at napagkasunduan sa isang caucus bago hatulan si dating chief justice Renato Corona na magbuo ng special committee na susuri sa kanilang SALN.

“That was discussed in our last caucus before the impeachment vote,” paglalahad ni Escudero.

Nauna rito, bumuo na rin ng special committee si House Speaker Feliciano Belmonte para siyasatin ang SALN ng 285 miyembro ng kapulungan, gayundin ang higit kumulang sa 3,000 nilang empleyado.

Sinabi ni Escudero na ang paglikha ng special committee sa Senado ay bilang pagtalima na rin sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Ethics and Ethical Standards.

Si Escudero din ang nagsusulong ng panukalang batas sa Senado na naglalayong obligahin ang lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno na magsumite ng kanilang waiver ng bank secrecy sa Office of the Ombudsman.

Lahat ng 23 senador ay pawang mga milyonaryo, sa pangunguna ni Sen. Manny Villar na may net worth na P854 milyon habang ang pinakamahirap sa kanila na si Sen. Antonio Trillanes IV ay may net worth na P4.7 milyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply