Zero crime sa laban ni Pacquiao — PNP

DALAWANG araw bago ang laban ni WBO welterweight champion Manny Pacquaio na gaganapin na sa Linggo, Hunyo 10 kay American challenger Timothy Bradley sa Las Vegas, Nevada ay nagpalabas na ng pahayag si PNP chief Gen. Nicanor Bartolome para sa pambansang kamao.

Ani Bartolome, mismong siya ang mangunguna sa libreng live free screening sa laban ni Manny kasama na ang mahigit 1,500 PNP personnel sa PNP national headquarters sa Camp Crame.

Dahil inaasahang muling tututukan ng sambayanang Pilipino ang nasabing laban, malaki naman ang tiwala ng pulisya na zero crime rate sa bansa ang itatala sa araw ng laban ni Pacman.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply