Zubiri pasok na sa senatorial lineup ng UNA

PASOK na sa senatorial lineup ng United Nationalist Alliance (UNA) si dating senador Juan Miguel “Migz” Zubiri para sa 2013 elections.

Ito ay inihayag matapos ang pagpupulong ng National Executive Committee ng alyansa nina Vice President Jejomar Binay at dating pangulong Joseph Estrada.

Si Zubiri ay dagdag sa tatlong kandidato sa pagka-senador ng koalisyon na kinabibilangan nina Cebu Gov. Gwendolyn Garcia at Rep. Mitos Magsaysay.

Dahil dito, sigurado nang walo ang tatakbo sa ilalim ng UNA kasama ang mga nauna nang ipinasok ng partido na sina Joey de Venecia, Rep. Jackie Enrile, Rep. Joseph Victor Ejercito, Sen. Gregorio “Gringo Honasan II at ang katunggali ni Zubiri na si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply