‘Carjacker’ tepok sa parak

ISANG hinihinalang carjacker ang nasawi makaraang makaengkuwentro ang operatiba ng pulisya sa Dasmariñas City, Cavite, kagabi.

Ayon sa report ng dzBB ngayong umaga, nakorner ng mga pulis ang suspek na nakilalang si  Fermin Sabater alias Puruntong, sa Brgy. Fatima.

Tinangkang magpaputok ni Sabater upang makatakas ngunit nabaril ito at nasawi.

Base pa sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ang pulisya ng impormasyon na nasa Fatima si Sabater.

Si Sabater ay iniuugnay sa serye ng carjacking incidents sa naturang lugar.

Istilo umano ng suspek na banggain ang sasakyan ng kanyang binibiktima sa likuran kasunod ng pagdedeklara nito ng carjacking kapag nakalabas na ng sasakyan ang driver.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply