‘Habambuhay kaming may utang na loob kay Dolphy’ – Villar

MALAKING panghihinayang ni Sen. Manny Villar sa pagpanaw si Dolphy, o Rodolfo Vera Quizon sa tunay na buhay kaya’t nasambit nitong “dulot ng kanyang pakikIpagkaibigan, ang aking pamilya ay habambuhay na may utang na loob sa kanya.”

“My family will forever be indebted to Dolphy for his friendship and for bringing laughter to our lives. He will always be our idol,” ayon kay Villar, na sinuportahan ng Comedy King noong 2010 presidential elections.

Nitong Martes, pumanaw ang Comedy King sanhi ng multiple organ failure sa Makati Medical Center. Kasalukuyang nakahimlay ang labi ni Dolphy sa Heritage Part sa Taguig City saka ililipat sa Dolphy Theater.

“Kami pong buong pamilya ay nakikiramay sa pamilya Quizon sa pagpanaw ng ating nag-iisang Comedy King, Dolphy,” ayon kay Villar.

Sinabi pa ni Villar na hindi niya makalilimutan, kasama ang kanyang pamilya, ang Comedy King dahil hindi lamang sila ang pinatawa ni Dolphy, kundi maging ang milyong-milyong Filipino na nakibahagi sa kanyang galak.

“We will never forget Dolphy. His talent and compassion for those who have less in life will always make a Filipino proud,” ani Villar.

“Bagaman matagal nang nakaratay, nakakabigla pa rin ang paglisan ni Dolphy lalo na at nababalitaan natin na bumubuti ang kanyang kalagayan at marami ang umasa sa kanyang patuloy na pag-galing. Isa ako sa nakasaksi sa kanyang paglakas noong dalawin ko siya sa ospital kung saan nagpahayag pa siya ng kagustuhang makauwi na,” ayon pa kay Villar.

“Ang panalangin ng sambayanang Filipino ang nagdugtong sa kanyang buhay. Pinagbuklod ng panalanging ito ang mga Filipino sa ibat ibang panig ng mundo,” dagdag ng senador.

Inihayag din ni Villar na hindi mapapantayan ng karangalan bilang National Artist ang pagkilala at paghanga na ibinigay ng milyong Filipino kay Dolphy.

“Ang pagdakila at pagtangi ng ating mga kababayan kay Dolphy ngayon at maging noong siya ay nabubuhay pa ay higit pa sa karangalan na nakuha ng isang National Artist,” ani Villar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply