‘Sahod’ ayaw ng bus drivers at sugal sa Cavite, tuloy

SINUNOG kamakailan nina C/Supt. James Melad at Cavite Prov’l. Director S/Supt. John Bulalacao ang ilang VK machine, patunay na ipinatigil na nila ang iligal na sugal sa buong rehiyon ng Calabarzon,  lalo na sa Cavite.

Gen. Melad, sir, gusto ko lang malaman mo na tsinutsubibo ka lang ni Col. Bulalacao! Bakit?

May sinunog ba kayong “sakla cards and tables”? ‘Di ba wala?

Ipasuyod mo, sir, ang lahat ng saklaan ni Danny (Itlog) sa Bacoor, Cavite City at Imus.

Ipatanong mo na rin kung natigil o hindi ang koleksyon ni Landong Bulag patungo kay Marlon Garcia na “bag-man” daw ni Col. Bulalacao!

-o0o-

MAGANDA sa unang tingin ang layunin ng Department Of Labor and Employment na obligahin ang bus operators na itigil na ang “percentage system” sa sahod ng drivers.

Sa halip ay ipinag-utos ng DOLE na gawin nang “arawan” ang sahod ng mga ito at ‘di bababa sa minimum wage na itinatadhana ng batas.

Ang siste, parekoy, tumakbo sa Korte Suprema ang grupo ng mga driver dahil kontra sila sa sistemang ipinatutupad ng DOLE dahil bumaba nga na-man ng husto ang kanilang kinikita kumpara sa porsiyento.

Ayon pa sa drivers, dapat ay kinonsulta muna sila bago ito ipinatupad dahil sila ang concerned sa nasabing isyu!

Tumpak sila, parekoy, isang kahangalan nga naman na isulong ng DOLE ang para raw sa kapakanan ng mga tsuper gayung sila mismo ay ayaw!

Kung sa argumento naman na panganib ang dulot ng dating sistema dahil inaabot ng 15 oras sa pagmamaneho ang bus drivers kaya hindi na sila alerto, bakit hindi ito ang silipin ng DOLE na ipagbawal ang humigit sa 10 oras ha-limbawa na pagmamaneho?

Sa pag-uunahan naman umano ng mga ito sa pagkuha ng pasahero, bakit hindi ipunin ng traffic enforcers ang EDSA at tutukan ang overspeeding?

Ang suhestiyon natin, parekoy, rito sa karamihan ng gabinete ni PNoy ay damihan ang pagkain ng “bulalo.”

Para madagdagan ang utak nila kahit papaano!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply