‘Sin tax’ kontra-pobre at sugal ni Mayor Domogan

BAWAL na para sa isang pobre ang manigarilyo!

Ito ang tumbok ng sin tax ng gobyerno kung saan tataasan nang husto ang bu-wis ng sigarilyo para makaipon umano ng malaking buwis o kaya ay huwag nang magyosi ang hindi kaya!

Para bang sinasabi ni PNoy na, “hoy, kayong mahihirap ay walang karapatang manigarilyo!”

Tangna, parekoy, si PNoy na lang yata ang hihithit sa lahat ng sigarilyo sa ‘Pinas!

Hindi kaya naisip ng Palasyo na ang “sin tax” ang papatay sa ating ekonomiya at padadamihin lalo nito ang walang trabaho?

Dahil kung sobrang mahal na ang presyo ng “yosi” ay tiyak daragsa na ang mga kontrabandong sigarilyo!

At mahihirapang supilin ng gobyerno dahil tiyak na tatangkilikin ito ng mahihirap na Pinoy!

Ang masakit nito, parekoy, kapag dumagsa ang kontrabandong sigarilyo at wala nang bumili ng mga ligal na yosi.

Resulta, magsasarado na ang mga pabrika ng sigarilyo.

At napakaraming Filipino ang mawawalan ng trabaho!

Ang masakit, “bokya” na nga ang target na “malaking buwis’ ay mawawala pa ang kasalukuyang nakokolekta!

“Naghangad ng kagitna ay isang salop ang nawala!!!”

-o0o-

DATI nang nasangkot ang pangalan ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa usapin ng ipinagbabawal na sugal.

Natatandaan ko pa, parekoy, nang itinuro siya noon na utak umano sa iligal na sugal, ngunit agad niya itong itinanggi!

Kaya hindi na tayo nagulat nang muli na namang lumutang ang pangalan ni Mayor Domogan kaugnay sa lantaran at talamak na iligal na sugal ngayon sa Baguio City.

Ayon sa ating tawiwit, mistulang “mini-casino” na ang nagaganap ngayon na su-galan sa mga “pwesto-pijo” o pergalan sa lugar ni Domogan!

Totoo ba, meyor, na hindi maaring salingin ng kahit sinong pulis ang nasabing mga pasugalan dahil sa takot na magalit ka sa kanila?

Pakinggan sa radyo  DZME-1530Khz ang aking programang  ALARMA-Kinse Trenta (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply