‘Wala munang kapa-kapatid’

MAGLALAGLAGAN ang magkapatid na B-Meg Llamados at Barangay Ginebra Gin Kings upang malaman kung sino sa kanila ang tatapak sa Finals ng 2012 PBA Governors’ Cup.

Nakatakda ang engkwentro ng dalawang mag-utol na team sa Big Dome bukas sa ganap na alas-6:45 ng gabi para sa No. 2 seat sa Finals kung saan ay naghinitay ang Rain or Shine Elasto Painters.

Nakapuwersa ng playoff game ang crowd favorite Ginebra ng itumba nila ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 73-71 kagabi sa Smart Araneta Coliseum pagkatapos tambakan ng Elasto Painters ang Llamdos, 92-82.

Nagtulong sina Mark “The Spark” Caguiao at Kerby Raymundo na isalpak ang huling pitong puntos ng Gin Kings upang manatili ang kanilang hangad na mukha ang titulo.

Tumikada si Caguiao ng 18 puntos habang 15 at 14 ang kinamada nina Raymundo at import Cedric Bozeman ayon sa pagkakasunod.

Samantala, makapaglalaro rin sa Finals ang RoS matapos ang anim na taong paghihintay mula nang sumali sila sa nasabing pro-league.

Dinomina ng Elasto Painters ang buong laro nila ng Llamados kaya naman makapagpapahinga sila habang naghihintay ng makakalaban sa Finals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply