1 pang bata nagpositibo sa enterovirus

ISA PANG bata ang naitalang nagpositibo sa sakit na Enterovirus-71 (EV-71) ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr.Eric Tayag, ang biktima, lalaki, limang taong gulang ay residente ng Benguet na nakitaan ng mild symptoms tulad ng lagnat at rashes.

Bagamat sinasabing nagpositibo sa EV-71 ang biktima ay nagpapagaling na ito ngayon dahil hindi naman umano delikado ang tumamang Enterovirus dito.

Matatandaan na isang isang taon at pitong buwang gulang na bata na mula sa Davao ang unang naitalang nagkaroon ng naturang sakit.

Gayunman, tiniyak ng DOH na ang sakit na enterovirus na tumama sa bansa ay hindi katulad ng sa Cambodia na kumitil ng halos 60 bata roon.

Kaugnnay nito, pinayuhan ni Tayag ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at kailangang malusog ang panganagatawn dahil ito ang malakas na panlaban sa anumang sakit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply