1 patay, 1 sugatan sa Pasay

NAGSASAGAWA na ngayon ng manhunt operation ang mga tauhan ng Pasay City Criminal Investigation Division laban sa isang lalaki na namaril na ikinamatay ng isang babae at malubhang nakasugat sa kasamahan nito sa Pasay City.

Ang pinaghahanap na suspek ay kinilala ni SPO1 Cris Gabutin na si Darwin Lapuz, alyas “Dawe” residente ng 2531 Tramo St., ng nabanggit
na lungsod.

Kaugnay nito, namatay bunga ng tama ng bala sa batok ang biktimang si Elecia Santos, 74, ng No. 2263 Tramo St., samantala nilalapatan pa ng
lunas sa Pasay City General Hospital ang kasama nitong si Shirley Bugos, 48, dahil sa tama ng bala sa katawn.

Naganap ang indente dakong 5:00 kahapon July 4 nang magwala ang suspek matapos hindi ito payagang ni Brangay Chairwoman Gloria
Constantino na ganapin ang selebrasyon ng kanyang kaarwan sa Barangay Hall sa Tramo St.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at isang nagngangalang Adrian Cruz na isa rin sa tumututol na ganapin sa Brgy
Hall ang birthday party ng suspek.

Sa insidenteng ito, agad na umalis ang suspek na nagpupuyos ang damdamin sa galit at nagbalik na armado ng di pa batid na kalibre ng
baril.

Nang makita ang kaalitan, biglang pinaputukan ng baril si Cruz, pero nakatakbo palayo ng kanilang bahay sublit tinamaan ang dalawang
biktima na ikinamatay ni Santos at malubhang ikinasugat ni Burgos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply