1 patay, 2 kritikal sa rumaragasang dyip

PATAY ang isang bystander habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang araruhin ng isang rumaragasang papasahereong dyip ang kahabaan ng F. B. Harrison, kaninang umaga sa Pasay City.

Namatay habang isinusugod sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Leodie, Estrada, 26, residente ng Sitio San Isidro, Paranaque City.

Nilalapatan naman ng lunas sa naturang ospital ang kapatid nito na si Devely, 24, dahil sa sugat at sa iba’t ibang bahagi ng katawan at bali sa braso.

Kaugnay nito, nilalapatan pa ng lunas bunga ng mga sugat sa leeg at ulo ang biktimang si Mervin Cruz, 29, na unang sinalpok ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Omar Lopez, Bariuan, 40, ng No. 725 Peñalosa St., Tondo, Manila

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Marianito Agas ang insidente ay naganap dakong 10:30 ng umaga sa tapat ng gusali ng OWWA.

Tinangka pang takasan ng si Cruz at asidente namang nasagasaan ang mga kapatid habang tumatawid sa kabilang kalsada.

Sa kasalukuyan, nasa kostodiya na ng Traffic Enforcement unit ang suspek at nakatadang sampahanm ng kaukulang kaso.  (Johnny F. Arasga)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply