1 patay, 3 sugatan sa nagwalang bayaw

DEAD on arrival sa ospital ang asawa ng isang barangay chairman habang sugatan naman dalawang kasamang iba pa matapos silang paulanan ng punglo mula sa isang armalite assault rifle ng bayaw ng punong barangay sa lalawigan ng La Union.

Base sa ulat, naganap ang pamamaril kahapon nang salakayin ng suspek na kinilalang si Aris Simon, 59 anyos, ang bahay ng barangay chairman na nasa Cantoria 4, bayan ng Luna, La Union.

Kinilala ang nasawi na si Aida Nobleza, 55, asawa ng sugatan na si Barangay Chairman Victoriano Nobleza, 59, kapwa residente sa nasabing lugar.

Kabilang sa mga sugatan na kasalukuyang ginagamot sa ospital ay sina Jerwin Nobleza, 20, at Jona Abalos, 25.

Agad din namang sumuko ang suspek bitbit ang ginamit na M-16 Rifle sa Luna Municipal Police Station matapos ang pamamaril.

Nagawa pang maitakbo sa pagamutan ang apat ngunit hindi na nakaabot pa ng buhay si Aida.

Kasalukuyang nagsasagawa pa rin ng fdollow uip investigation ang Luna PNP upang alamin ang motibo sa nangyaring krimen kasabay ng paghahanda sa kaukulang kaso na isasampa laban kay Simon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply