1 patay sa sunog sa Pasay

ISA ang patay sa sunog na tumupok sa may 100 kabahayan sa Villamor Pasay City kagabi.

Ang biktima ay kinilalang si Marcelino Sobrebega, 51 anyos na unang iniulat na nawawala.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima na naiwan pa lang natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan bago sumiklab ang sunog alas-11:30 kagabi.

Tupok na tupok at halos wala nang mapapakinabangan sa mga gamit matapos ang sunog na nangyari sa dalawang palapag na bahay sa 4th at 9th sts.,(Brgy. 183 zone 4) sa Villamor Pasay City.

Sa panayam kay Pasay Fire Marshal chief Insp. Douglas Guiyab, itinigil nila ang paghahanap sa biktima kaninang ala-una imedya ng madaling araw dahil hindi nila ito.

Hinala ng mga awtoridad na maaaring sa naiwanang kandila nagmula ang sunog pero ito’y patuloy pang iniimbestigahan.

Umabot sa ikatlong alarm ang sunog, na ganap na naapula dakong ala-una ng madaling araw.

Aabot naman sa halos P500,000 ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian sa nasabing sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply