1 sa 2 pulis na sangkot sa hulidap, kinasuhan na

KINASUHAN na ng Pasay city Police ang isa sa dalawang pulis na myembro ng National Capital Regioanl Office (NCRPO) na una ng naaktuhan habang iligal na nakaparada sa tapat ng Copacobana hotel at sakay ng isang kulay silver na Revo na may kahinahinalang plaka sa EDSA ext., Pasaycity.

Ayon kay Pasay Police chief Sr. Supt. Melchor Reyes, kasong paglabag sa R.A 4136 o ang land transportation and traffic ang isinampang kaso dahil sa delapidated plate, at illegal possession of Firearm laban kay  PO3 Edwardo Cayabyab, myembro ng Reg’l Personnel Holding and Administrative Unit ng NCRPO.

Bukod sa nasabing kaso, bineberipika rin kung may katotohanan na may mga dati pang kaso tulad ng robbery extortion, acts of lasciviousness at illegal arrest ang pulis.
Samantala, pinalaya na ang kasamang pulis ni Cayabyab na si SPO1 RoyMagnayon, matapos maberipika na walang reklamo laban sa kanya.

Nauna rito, muntikan ng mauwi sa hindi magandang sitwasyon ang paninita ng mga tauhan ng Pasay police -PCP 6, sa dalawang aktibong tauhan ng NCRPO, nang matyempuhan ang mga ito habang nakaistambay lamang sa tapat ng nasabing hotel at tila may inaabangan.

Ikinatwiran ng mga suspek na pulis na ipagagawa lamang nila ang plaka ng sasakyan sa Maynila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply