1 sa humoldap, pumatay sa Chinese utas sa parak

(UPDATE) TODAS ang isa sa mga suspek na humoldap at pumatay sa isang Chinese national sa Binondo, Maynila matapos mang-agaw ng baril ng pulis.

Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ang suspek na si Rocky Bangayan, 24, tubong Cagayan Valley matapos mang-agaw ng baril sa awtoridad nang dadalhin sana siya sa Mary Johston Hospital para sa medical examination.

Ayon sa MPD-Homicide Section, sasailalim sa medical examination si Bangayan dakong 9:35 kaninang umaga nang mang-agaw ito ng baril sa mga tauhan ng MPD-Station 11 na naging dahilan upang siya ay mabaril .

Isinugod pa ito sa ospital ngunit hindi an rin umabot nang buhay.

Nauna rito, naaresto si Bangayan sa isinagawang follow up operation ng MPD-Station 11 matapos makuhan sa CCTV  na nakalagay sa kanto ng Muelle St., Binondo ang ginawang panghoholdap at panggigilit sa leeg sa Chinese na si Yang Lirong kagabi.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa kaso habang pinaghahanap ang isa pang suspek na kasama ni Bangayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply