10-anyos na anak-anakan tulala sa gahasa ng amain

KULONG ang isang stepfather na suspek sa pagmamaltrato at pangmomolestiya sa kanyang 10-anyos na anak-anakan sa General Santos sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang  suspek sa alyas Johnny, balot vendor, itinuro mismo ng biktima na humalay sa kanya, ng Barangay Labangal.

Kasama ni Beth, hindi tunay na pangalan ang kanyang ina nang nagsumbong sa kapulisan at sinalaysay na sinimulan siyang molestiyahin ng amain noong 9-anyos pa lamang.

Ayon sa biktima, siya ay ginagawan ng kahalayan ng amain tuwing wala sa kanilang bahay ang ina na nagtatrabaho sa isang canning factory.

Sinasabing nagpositibong ginahasa ang bata sa isinagawang medical examination sa nakitang sugat sa ari ng bata.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply