10-anyos niluray bago pinaslang

HINIHINALANG ginahasa muna bago pinatay ang isang sampung taong gulang na batang babae na itinapon pa sa isang sapa sa bayan ng Malapatan,  Sarangani.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Jahida Egay, Grade II pupil at residente ng barangay Sapu Masla na natagpuang walang saplot at may mga sugat sa kanyang katawan.

Bukod dito, may tama rin sa ulo ang bata na sinusupetsang hinataw ng malaking bato na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon kay Police Inspector Rodel Javison, deputy chief of Police ng Malapatan Police station, inutusan ng ama si Jahida na kumuha ng lubid na siyang gagamitin nila sa kanilang pagsasaka ngunit hindi na nakauwi pa sa kanilang bahay ang biktima.

Agad namang naghanap ang pamilya ng bata at nagimbal sila nang matagpuan sa ilog na wala ng buhay ang bata.

Sa ngayon may mga suspek na ang pulisya sa Malapatan pero patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply