10 domestic flights kinansela

DAHIL sa sama ng panahon 10 domestic flights ang kinansela ngayon sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA).

Ayon sa report ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Office, walong domestic flights ng Cebu Pacific Air at dalawang domestic flights ng AirPhil Express ang kanselado dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Visayas.

Kabilang sa mga cancelled flights ay ang mga Cebu Pcific flights 5J513, 514- Manila – San Jose, Mindoro-Manila, 5J 893, 894- Manila – Caticlan- Manila, 5J895, 896-Manila – Caticlan- Manila at 5J 913, 914-Manila – Caticlan- Manila.

Samantala, kinansela rin ng AIR PHIL ang flight 2P 039, 040- Manila – Caticlan- Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply