Mga bahay inararo ng 2 barge, wasak

NAWASAK ang tinatayang 30 kabahayan matapos araruhin ng dalawang barge sa Tondo, Maynila kagabi.

Nabatid na ang naturang mga kabahayan ay inararo ng barge dakong alas-9:30 kagabi sa Happyland at Carnacion St., Road 10 sa Tondo, Maynila.

Pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar na inararo ng barge dahil sa malalakas na alon bunsod ng bagyong Gener.

Nagpalipas naman ng buong magdamag ang mga naapektuhang pamilya sa kapilya ng barangay.

Masuwerte namang walang naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply