100 day countdown, inilunsad ng Simbahan sa pagkasanto ni Calungsod

NAGLUNSAD ng isang website ang Simbahang Katoliko kasabay nang pagsisimula ng isinasagawa nilang 100-day countdown para sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod.

Ang countdown para sa pagiging santo ni Calungsod ay sinimulan nitong Sabado, kasabay nang idinaos na 1st Catholic Social Media Summit.

Mismong si Manila Archbishop Antonio Tagle, mga religious leaders, lay promoters at ang National Commission on the Canonization of Blessed Pedro Calungsod ang nanguna sa paglulunsad ng ‘The Big Move: 100 Days to the Canonization of Blessed Pedro Calungsod’, na ang naging highlight ay ang paglulunsad ng http://sanpedrocalungsod.com/ website.

Ayon sa komisyon, inilunsad ang website upang maipabatid sa publiko ang pagiging martir ni Calungsod at hikayatin na rin ang mga kabataan na sundan ang mga yapak nito.

Sinabi ni Sky Ortigas, na bahagi ng lay-initiated group na +Big Movement, na maaaring makita ang mga update sa kanonisasyon ni Calungsod sa pamamagitan ng official FaceBook page para kay Calungsod na facebook.com/FilipinoSaintPedroCalungsod at pagsubaybay sa kaniya sa Twitter sa Twitter twitter.com/@SPCalungsod.

Sa naturang summit, hinimok naman ni Tagle ang mga mananampalatayang Katoliko na sundan ang mga halimbawa ni Calungsod at tumulong sa kapwa upang mabatid ang kaniyang buhay at gawa.

“Blessed Pedro Calungsod, who is soon to be named a saint, has done his contribution to spread Christianity beyond the country’s borders. He did what we can now easily do through social media,” ani Tagle.

Kaugnay nito, nabatid na opisyal ding nagsasagawa ng 100-day countdown sa canonization ang Cebu City, kung saan isinilang si Calungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply