100 estudyante ng Ateneo de Davao, na-food poison sa manok

HUMIGIT kumulang sa 100 estudyante sa Ateneo de Davao University ang nalason dahil sa pagkain ng adobong manok.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga health officials ng Davao city ang MTC Rebosura food catering service na sinasabing na inihain ng adobong manok.

Mahigit 100 mag-aaral kabilang na ang presidente ng Unibersidad ang sinugod sa Davao Doctors Hospital at San Pedro Hospital pasado alas 3:00 ng hapon, kahapon.

Ayon kay Maureen Ann Villamor, chairman ng Student Council Samahan ng Ateneo de Davao university, dumalo sa student leaders gathering ang mga biktima kasabay na rin ang presidente ng unibersidad na si Fr. Joel Tabora.

Sinabi ni Villamor na bago pa sila  kumain, napansin na nila na hindi kaaya-aya ang amoy ng pack lunch na chicken adobo na inihain ng MTC Rebosura food catering service, pero kinain pa rin nila ito dahil sa gutom at  bandang alas tres ng hapon, nagsitakbuhan na sa rest room ang mga estudyante at marami din ang sumuka.

Rumesponde sa insidente ang 911 Davao at sa kasalukuyan, naka-confine pa rin sa ospital ang ilang estudyante ng nasabing unibersidad matapos malason sa kinaing chicken adobo dahil narin sa patuloy na pananakit ng lalamunan matapos ng matinding pagsusuka.

Ayon naman sa mga doktor, hinihintay pa nila ang laboratory result sa inihaing adobong manok para malaman kung ano ang nagdulot ng food poisoning.

Samantala, nangako naman ang Ateneo de Davao University na sasagutin nila lahat ng gastos sa pagkaka-ospital ng mga nalasong estudyante.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply