30 kabahayan tinupok ng apoy sa Caloocan

(UPDATE) AABOT sa 30 kabahayan ang nilamon ng apoy sa naganap na sunog sa Caloocan City kaninang umaga.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Marivic Puruganan sa P. Zamora, Barangay 17 ng lungsod.

Dahil dikit-dikit ang mga bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.

Iniulat na may ilang residente ang nasugatan dahil sa kanilang kagustuhang maisalba ang kanilang mga gamit.

Umabot ang sunog sa ikalimang alarma.

Nagpahayag naman si Caloocan City Mayor Enrico Echiverri na magbibigay ng tulong sa mga nasugunan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply