100 pamilya inilikas sa Kyusi dahil sa baha

TINATAYANG mahigit sa  100 pamilya o 455 indibidwal ang inilikas bunsod ng pagbaha dahil sa walang tigil na malakas na ulan sa  Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Nabatid na  patuloy ang pagtaas ng ilog na kadugtong ng San Mateo-Marikina River kung kaya nakararanas din ng pagbaha ang naturang lugar.

Umabot hanggang beywang ang tubig-baha sa ilang kabahayan at may ilan namang umabot pa hanggang leeg.Dinala ang mga naturang pamilya sa Barangay Bagong Silangan  habang walang  tigil sa pag-iikot ang mga rescue team upang iligtas ang mga binabahang residente sa Sitio Tagumpay, Sitio Jubilee, Greenland at Tumana.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply