100 QC cops binulaga sa drug test

DAHIL na rin sa kautusan ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Mario dele Vega ay isinailalim sa sorpresang drug test ang mahigit sa 80 miyembro ng kapulisan.

Sinabi ni QCPD deputy director for operations Senior Supt. Joel Pagdilao, na ipinatawag ang nasabing bilang ng mga pulis para dumalo sa isang command conference sa QCPD Camp Karingal pero ang hindi nila alam ay isasalang sila sa drug tests.

“When they arrived there, they were told they would undergo drug testing,” pahayag ni Pagdilao. “They are the ones on the frontline of our anti-drug campaign so we have to make sure they are not positive for drugs,” dagdag pa nito.

Ang mga kapulisan na sumailalim sa drug testing ay nakadetalye sa mismong District Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group DAIG-SOTG na nakabase sa Camp Karingal at mula sa anti-drug units ng 12 police stations sa lunsod.

Ikinasa ni Dela Vega ang sopresang drug test base na rin sa natanggap nitong impormasyon na karamihan sa mga miyembro ng DAIG-SOTG ay gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Lalabas aniya ang resulta ng drug testing sa susunod na linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply