100 tax evasion case vs mandaraya, madaragdagan pa

MADARAGDAGAN pa ang mahigit sa 100 kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice sa patuloy na paghabol ng BIR sa mga nandaraya at hindi nagbabayad ng tamang buwis upang makalikom ng karagdagang P30 bilyon.

Mahalagang maabot ng Kawanihan ng Rentas Internas ang target na koleksyon  para matugunan nito ng husto ang mahahalagang pangangailangan ng Aquino administration sa pagpapatayo ng mga karagdagang gusali ng ospital, paaralan at matulungan ang mga maralita sa bansa.

Nagbabala rin si BIR Commissioner Kim Henares na mananagot sa kanya ang mga key officials ng nasabing tanggapan na patuloy na makikipagsabwatan sa mga accountants o abogado ng mga iniimbestigahang taxpayers para maliit lamang ang maibayad na buwis habang malaking halaga naman ang napupunta sa bulsa ng mga taong nasa likod ng katiwalian.

Samantala, sa  kauna-unahang pagkakataon bago sumapity ang Ika-107 Taong Anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue sa Agosto 1, 2012, nagtagumpay ang BIR na makulekta ang kanilang target tax goal na P81.34 bilyon para sa buwan ng Hunyo.

Kumpiyansa si Henares at kanyang mga deputy commissioners na makukuha nila ang napakataas na target tax koleksyon goal na P1.006 trillion bago matapos ang bguwan ng Disyembre nitong kasalukuyang taon.

Sa tax collection data mula kina  BIR Regional Directors Nestor Valeroso (Makati City), Jonas Amora (Quezon City), Simplicio Madulara (Manila) at Tomas Rosales (Caloocan City), sinabing umabot sa 7.8 percent o dagdag na  P5.94 bilyon kaya tumaas sa kabuuang P74.4 bilyon ang koleksiyon sa buwis upang makamit nila ang tax goal sa nasabing buwan.

Noong nakaraang buwan naman, umabot sa 21.6 percent o P114.4 bilyon ang itinaas ng koleksiyon sa buwis kaya umabot sa P66.9 bilyon ang nakulekta ng BIR sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Isang tradisyunal na misa sa BIR main office na pangungunahan ni Commissioner Henares at lahat ng opisyal ng BIR ang inaasahang dadaluhan ni Pangulong Benigno Aquino at Finance Secretary Cesar Purisima para ipagdiwang ang Ika-107 BIR Anniversary.

Inaaasahan ang paghahayag ng major-revamp sa hanay ng mga key revenue officials at sa pagpapatuloy ng sinimulang reporma at paglilinis sa mga corrupt, misfits at undesirable officials and men sa Kawanihan  ng Rentas Internas.

Iginawad, gayunman, ni Commissioner Henares, ang napakahusay na tax collection performance para makuha nila ang target tax goal kina Metro Manila BIR Revenue District Officers Luis Chito Alberto, Armand Tria, Ed Tolentino, Baby Nacar, Teddy Huelva, Ramer Narvaez, Iza Paulino, Gerry Dumayas, Lorna Tobias, Pete Fernando, Raul Recto, Marissa Rabago, Dante Aninag, Albin Galanza, Claire Corpus, Rose Ragasa at iba taglay ang paniniwala na sa maigting na pakikipagtulungan ay makukuha ang minimithing target goal na P1.006 trillion bago matapos ang taong 2012.

“Collection from the regional and district offices have consistently showed double digit growth as was the case in previous months. Ang pagtaas ng kuleksyon  mula sa regional at district offices sa Metro Manila ang matibay na basehan ng BIR national office para masigurong makukuha ang target tax goal. Meaning, kapag naka-goal ang Metro Manila regional at district offices, tiyak na makaka-goal na rin ang mga regional at district offices sa mga karatig-probinsiya,” paliwanag nina Makati City at Quezon City BIR Regional Directors Nestor Valeroso at Jonas Dela Pena Amora.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply