103 sachet ng shabu nakumpiska sa babaing tulak

UMAABOT sa kabuuang 103 sachets ng  shabu ang nakumpiska sa isang babaeng tulak ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Iligan City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang babaeng pusher na si Maristela Hermosilla, alias Tilay, 40 anyos at residente sa Purok 3, Barangay Saray, Iligan City at pang lima sa listahan ng order of battle ng PDEA sa probinsiya .

Batay sa ulat, nakipagtransaksiyon si Hermosilla sa isang  poseur-buyer sa Purok 3, Barangay Saray noong hapon ng  July 4, 2012 .Dahil dito, isang entrapment operation ang ikinasa ng mga element ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10) sa pamumuno ni Director Roberto Opeña kapalit ng P500 marked money pambili ng isang sachet ng  shabu sa suspek.

Nakuha pa sa suspek ang karagdagang 102 sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Ayon kay GutierreZ, matagal na niyang pinasusubaybayan sa PDEA ang suspek na sinasabing walang hanap-buhay at umaasa lamang sa pagtutulak ng shabu upang mabuhay.

Pansamantalang nakapiit si Hermosilla sa PDEA RO10 habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa  Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng  Republic Act 9165, na isasampa sa piskalya laban sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply