11 atleta sa 30th Olympic games, suportado ng Malakanyang

UMAASA ang Malakanyang na magiging maganda ang performance ng mga atleta sa 30th Olympic [Games] 2012 na nagsimula Sabado ng umaga.

Tiniyak ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na buo ang suporta ng sambayang Filipino sa mga atleta ng Pilipinas kaya’t ang hangad ng lahat ay magandang performance mula sa mga atleta.

“Buo po ang ating suporta sa inyo. Umaasa po tayong magiging maganda ang inyong performance sa Olympics, diyan po sa palakasang ‘yan. At talagang marami pong nanonood at marami pong sumusubaybay, at sana po maging maganda talaga ang performance ng ating mga atleta,” ayon sa opisyal.

Nauna rito, nagpaabot ng ‘good luck wish’ sa mga pambato ng Pilipinas sa 2012 London Olympics.

Labing isang Pinoy athletes ang kalahok sa Olympiad na kada apat na taong ginagawa na sinasalihan ng mga naglalakihang pangalan sa larangan ng palakasan.

Ang mga ito ay sina Jhessie Khing Lacuna (Swimming), Jasmine Alkhaldi (Swimming), Marestella Torres (Athletics), Rene Herrera (Athletics), Paul Brian Rosario (Shooting), Tomohiko Hoshina (Judo), Hidilyn Diaz (Weightlifting), Daniel Caluag (Cycling), Rachel Ann Cabral (Archery), Mark Javier (Archery) at Mark Anthony Barriga (Boxing).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply