11 bilanggo tumakas sa Maguindanao provincial jail

NAKATAKAS ang 11 binalanggo sa naganap na jailbreak kaninang madaling araw sa Maguindanao Provincial Jail sa PC Hill  sa lungsod ng Cotabato.

Ayon kay Maguindanao Provincial Jail Warden Kasan Odin,  11 inmates  ang nakapuga pero dalawa  naman ay inabutan ng mga jail guards .

Ang mga nakatakas na inmates ay kinabibilangan nina Datukan Samad alyas  Kumander Lastikman na may kasong multiple murder, Anwar Maguid, Sahid Maginga,  Basco Puas, Abel Unsing , Tin Tin Omar, Puna Baulo, Bangon Usop, Siki Pilas, Ligi Gimbal at Ampoy Gimbao.

Ayon kay Warden Odin, nilagare ng mga bilanggo ang grills o bakal ng kubeta at umakyat sa pader sa kanilang pagtakas dakong 1:00 ng madaling araw.

Karamihan umano sa mga nakatakas ay may kasong murder .

Nagtataka naman  ang mga guardiya kung paano nakapasok ang lagare ng bakal sa bilangguan habang nagsagawa ng hot pursuit operation laban sa mga nakapugang preso at dalawa sa kanila ay matagumpay na naaresto sa bahagi ng barangay Poblacion Uno, Cotabato City.

Iniimbestigahan na ng mga opisyal kung may naganap na kapabayaan sapanig ng mga jailguard.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply