12-anyos todas sa shotgun ng kalaro

DAGLIANG kamatayan ang inabot ng 12-anyos na batang babae habang malubha ring nasugatan ang kalaro nitong 13-anyos matapos na aksidenteng mabaril ng isa ring 12-anyos na batang lalaki sa lalawigan ng Agusan Del Norte.

Sa police report, dead on the spot ang dalagitang si Realyn Lopez habang sugatan si Angelie Salinen na kapwa nakatira sa Purok 6, Brgy. E. Morgado sa bayan ng  Santiago, Agusan del Norte.

Sa salaysay ni Angelie, nagpunta sila sa bahay ng mga magulang ng suspek na itinago sa pangalang Noynoy upang manghingi ng pakwan ngunit hindi sila nabigyan dahil wala sa kanilang bahay ang lolo nitong si Boy Rabor kung kaya’t umuwi na lamang ang mga biktima.

Nabatid na pagdating nina Realyn  sa isang kubo ay nakita nila ang binatilyo na nilalaro ang shotgun ng kanyang lolo at pabirong itinutok sa kanila.

Subalit  bigla na lamang itong pumutok at tinamaan sa likod si Realyn na naging sanhi ng kanyang pagkamatay habang nagtamo naman ng mga bolitas sa braso at iba pang bahagi ng katawan si Angelie na katabi ni Realyn.

Napag alaman pa na walang mga kaukulang dokumento ang baril na ginamit ng binatilyong suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply