12 preso nakapuga sa Ozamis City

TARGET ng PNP at BJMP Trackikng and Recovery Unit na matunton at maibalik ang 12 preso na pumuga kaninang madaling-araw sa Ozamiz City sa ulat ng pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman at PNP PCRG Commander P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr, bandang ala-una ng madaling-araw habang nasa kasagsagan ng pag ulan ay nakatakas ang 12 inmates sa Bureau of Jail Management and Penology na nasa Barangay Tinago, Ozamiz City.

Pansamantalang hindi pa nakuha ang mga pangalan ng inmates na naka puga subalit ilang jail insiders ang nagsabing hardened criminals at may mga malalaking kaso ang mga tumakas na preso.

Base sa inisyal report na ibinahagi ni Cruz, gamit ang talim ng lagareng bakal ay naputol ng mga pumuga ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng kanilang selda .

Agad na nagsagawa ng  manhunt operation ang mga tauhan ng Ozamiz City Police.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply