12,000 empleyado ng BIR, tumanggap ng 10% dagdag sa sweldo

MAAGA ang pasko sa 12,000-strong officials and employees ng Bureau of Internal Revenue matapos makatanggap ng 10% salary increase bilang handog sa pagdiriwang  bukas, Agosto 1, ng kanilang 107th year anniversary .

Ang taunang 10% salary increase sa lahat ng opisyal at empleado ng BIR ay  ipinagkaloob noong nakaraang buwan ng Hulyo, sa halip na nitong buwan ng Agosto, upang makadagdag sa gastusin at iba pa nilang pangangailangan sa kanilang kabuhayan at pamilya, alinsunod sa kautusan mismo ni Pangulong Noynoy Aquino bilang handog sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

Nagbubunyi ang mga regional directors at revenue district officers sa pangunguna ni BIR Commissioner Kim Henares na makukulekta ng ahensya ang itinuturing na pinakamataas na target tax goal na P1.006 trillion bago matapos ang buwan ng Disyembre nngayong 2012.

Ilan sa mga nagpakitang-gilas kay Commissioner Henares sa pagtulong na makuha ang kani-kanilang tax collection goal ay sina BIR Assistant Commissioner for Large Taxpayers Fred Misajon, Regional Directors Nestor Valeroso, ng Makati City; Jonas Dela Pena Amora, ng Quezon City; Simplicio Madulara, ng City of Manila; Tom Rosales, ng Caloocan City at sina Metro Manila BIR Revenue District Officers Luis Chito Alberto, Dante Aninag, Iza Paulino, Baby Nacar, Ed Tolentino, Ramer Narvaez, Nimfha De Villa, Gel Bautista, Armand Tria, Albin Galanza, Pete Fernando, Lorna Tobias, Claire Baldonado, Tedy Huelba, Rose Ragaza, Marisa Rabago, Raul Recto, Gery Gumayas at Makati Large Taxpayers Division Chief Sol Adafon.

Habang sinusulat ito, hindi pa kumpirmado kung  makadadalo si Pangulong Aquino  sa Ika-107 taong anibersaryo ng BIR bilang panauhing pandangal, kasama si Finance Secretary Cesar Purisima para pangunahan ang isang misa na idaraos sa BIR National Office sa Diliman, Quezon City.

Si Commissioner Henares na nag-withdraw sa kanyang nomination sa listahan ng pinagpipilian ng Judicial Bar Council para ipalit kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay isa sa umano’y napipisil ng Malacanang para maging secretary ng Department of Justice o sa Department of Finance sa harap ng report na diumano’y gusto nang magpahinga sa public service ni Secretary Purisima upang bumalik sa pribadong pamumuhay at asikasuhin ang kanyang napapabayaang negosyo.

Sinabi ng source na sa sandaling pumanhik sa gabinete si Commissioner Henares, si BIR Deputy Commissioner Estela Sales ang irerekomenda nito kay Aquino bilang kanyang kahalili para ipagpatuloy ang nasimulan na niyang reporma at tuluyang masugpo ang graft and corruption sa nasabing tanggapan patungo sa ‘tuwid na daan’ na ‘pet-project’ ng Pangulo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply