137 pamilya sa Baseco compound inilikas

MAY 137 pamilya ng Baseco compound  na nakatira sa gilid ng Manila Bay ang sapilitang inilikas para mailayo sa posibleng kapahamakan.

Ayon kay Manila City Hall City Admisnistrator Jesus Jay Marzan, sapilitang inilikas nila ang mga taong nakatira sa nasabing lugar at dinala sa Baseco covered court  upang makatiyak na hindi sila maaapektuhan sa lakas ng ulan, malalaking alon at matinding  hangin na dala ng bagyong Gener na bumabayo sa bahagi ng Luzon, bagamat walang storm signal sa Metro Manila.

Bukod sa pansamantalang kakalingain sa nasabing covered court, may relief goods at financial assistance ding ipinagkaloob si Manila Mayor Alfredo S. Lim na pinangasiwaan ni Manila-Department of Social Welfare chief, Jay dela Fuente.

Bukod sa nasabing bilang ng pamilya, inayudahan din ni Lim ang may 60 pamilya na anwalan ng tirahan sa may Baseco Compound matapos na wasakin ng dalawang barge ang kanilang mga bahay sa kasagsagan ng hagupit ni Gener.

Tatagal umano hanggang sa Miyerkules (Agosto 1) ang mga inilikas sanasabing covered court.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply