14-anyos na binatilyo tepok sa driver ni Binay

LASOG-LASOG ang katawan at halos mabasag ang bungo ng 14-anyos na binatilyo matapos tumilapon nang mabangga ng rumaragasang sasakyan na minamaneho ng driver ni Vice President Jejomar Binay kaninang umaga.

Namatay noon din si Joshua Danao, habang sugatan naman ang kanyang amang si Rolando Jr.

Ayon kay SPO4 George Jorge, ng Manila Traffic Bureau Enforcement Unit (MTBEU), tumatawid ang mag-ama kaninang umaga sa Osmeña Highway sa San Andres, Maynila nang mabangga ng  Auxilliary Utility Vehicle (AUV) na MItsubishi Adventure na itim (WSW 194) ng drayber ni BInay na si Eduardo Hernandez Jr.

Nabatid na lasing ang driver kasama ang isang babaeng pasahero na nakilalang si Chariz Cudiamat na naaresto sa Makati.

Ang biktimang binatilyo ay tumilapon may 50 metro kaya mala ang naging pinsala ng kanyang katawan na nagresulta ng agaran  niyang pagkamatay.

Kinumpirma naman sa MTBEU ni Joey Salgado, media relations officer ni Binay na driver ng bise presidente si Hernandez pero off duty ito nang mangyari ang aksidente.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries si Hernandez na kasalukuyang nasa kustodiya ng MTBEU.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply