15-anyos patay sa aksidente sa Pangasinan

UTAS ang 15-anyos na bagets, habang sugatan ang dalawang iba pa sa naganap na aksidente sa Umingan, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Eugene Cabico, habang ang mga sugatan naman na ay sina Eddie Macaso, 14, at Jopet Real, 14, pawang ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon, minamaneho ni Macaso ang motorsiklo habang angkas ang dalawa at binagbagtas ang kahabaan ng Barangay Caurdanetaan nang mawalan ng kontrol sa motor at mahulog sa irrigation canal dahilan ng ikinamatay ng bagets.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply