15 estudyante sinapian ng masamang espiritu sa Cebu

SINAPIAN umano ng masamang espiritu ang 15 mag-aaral ng Buanoy National High School sa bayan ng Balamban Cebu, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Ayon kay PO2 Godofredo Dumdum ng Balamban police station, kahapon ng alas-10:00 ng umaga nang nagpapakita ng kakaibang kilos ang 15 estudyante.

Kakaiba umano ang isinisigaw ng mga mag-aaral na animo’y demonyo ang boses.

Bukod dito, nagwawala ang mga ito at nanlilisik ang mga mata.

Agad namang pinuntahan ng parish priest at mga pastor ang mga mag-aaral upang awatin ito ngunit napakalas umano ng mga bata.

Sa 15 mga high school student, ilan dito ay dinala sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City, dahil sa napakalas na ng bata at kung ano-ano  ang sinasabi

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang parish priest upang mabatid kung totoong sinapian ng masamang espiritu ang mga mag-aaral.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply