15 OFWs mula Syria balik ‘Pinas

LABING-LIMANG overseas Filipino workers (OFWs) mula sa bansang Syria ang nakatakdang bumalik sa Pilipinas ngayon araw (Hulyo 15).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatakdang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Emirates Airlines Flight 334 bandang alas 10 ng gabi sakay ang 15 OFWs na pawang mga kababaihan.

Sinabi pa ni DFA Assistant Secretary at Spokesman Raul Hernandez na pito sa 10 OFWs ay nagmula sa lunsod ng Damascus kung saan sila nagtrabaho bilang mga Household Service Worker (HSW), samantalang ang 5 OFWs nagtrabaho sa mga siyudad ng Tartous, Latakia at Homs.

Idinagdag din ni Hernandez na 2 pang OFW ang dumating kahapon (Hulyo 14), sakay ng Etihad Airlines fligh 424, habang 7 pang kababayan mula sa Aleppo ang bumalik na sa Pilipinas noong Huwebes (Hulyo 12).

Sa kabuuan, 1,801 OFWs na ang nailikas na ng pamahalaan sa Damascus simula ng ipatupad ng Maynila ang sapilitang pagpapalikas sa mga kababayan sa bansang Syria.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply