Tom Cruise top-earning Hollywood actor – Forbes

KUNG sa mga Hollywood actress ay nanguna si Kristen Stewart sa highest earning actress, si Tom Cruise naman ang nanguna sa mga Hollywood actor.

Ayon sa ipinalabas na listahan ng 100 highest paid actors ng Forbes Magazine, si Tom Cruise ay kumita umano ng tumataginting na $75 million mula May 2011 hanggang May 2012.

Successful ang nakalipas na movie ni Tom Cruise na “Mission Impossible: The Ghost Protocol” na tumabo ng $700 million sa global box offices habang maganda rin ang feedback at kinita ng Rock of Ages (movie) na naipalabas na sa Amerika noong Hunyo at ipalalabas pa lamang sa ibang bansa.

Tabla naman sa second spot ang mahusay na aktor-komedyante na si Adam Sandler at Titanic star Leonardo DiCaprio na parehong kumita ng $37 million.

Hiwalayan

Tungkol naman sa hiwalayan nina Tom Cruise ay Katie Holmes, makakakuha umano ng $15 million na bayad ang aktres sa limang taong pagsasama nila action star.

Bukod dito, mapupunta kay Katie ang $35-million Beverly Hills mansion.

Hiniling din ng Dawson’s Creek star ang “sole custody” ng kanilang anak na si Suri at sinasabing makatatanggap pa ng malaking halaga para sa suporta sa kanilang anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply